Ang Wika bilang Instrumento ng Komunikasyon at Pagkakaisa sa lipunan



    
     Wika ay syang instrumento ng Komunikasyon upang maipabatid natin ang ating saloobin at kaisipan sa ating kapwa.
Ang Wika rin ang magsisilbing daan upang tayo'y magkaroon ng pagkakaisa at pagkakaunawaan sa ating lipunan. Marami itong magandang na idulot noon hangang ngayon at ang halimbawa nito ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Jose Rizal, sapamamagitan ng pagsusulat Wika ang kanyang ginamit upang tuluyan na maging malaya ang pilipinas sa kamay ng mga españyol, sumakatuwid kung walang wika walang pagkakaisa at hanggang ngayon ang pilipinas ay hindi parin malaya. 


     
        Base sa larawan maraming naitulong ang Wika at hangang ngayon patuloy itong ginagamit at nagbabago. Makikita din sa larawan ang ibat-ibang gamit ng wika na may tungkuling panatilihin ang kaayusan, pagkakaisa, pagkakaunawaan, maghatid impormasyon sa iba at marami pang Iba.
 
     
      Mayroong pitong tungkulin ang wika ayon kay Michael Alexander Kirkwood Halliday o mas kilala sa taguri na M.A.K at ito ay ang regulatori, interaksiyonal, heuristiko, personal, instrumental, representatibo/impormatibo at imahinatibo, na may tungkuling ipakita ang kahalagahan ng wika sa lipunan.
     Wika ang ginagamit ng mga mag-aaral kapag sila'y maguulat sa harap ng klase upang maghatid ng kaalaman at impormasyon sa kapwa nila magaaral, ito ay halimbawa ng impormatibo/ representatibong gamit na wika.
     Ang mga nagpapanayam ay gumagamit ng wika na may layuning makakuha ng impormasyon, maunawaan ang saloobin at kaisipan ng taong kinakausap at ito'y halimbawa ng heuristiko gamit ng wika.
    Ang wikang regulatoryo naman ay ang gumagabay sa kilos at asal ng Iba, ito ang pagkokontrol sa anong rapat gawin tulad ng mga karatula na madalas nating makita sa kalsada, paaralan at maging saating tahanan halimbawa; bawal manigarilyo, bawal gumamit ng selpon, bawal ang basura at bawal uminom. Makikita sa aking guhit na mayroong babaeng nagbibigay direksyon at ito'y halimbawa ng regulatoring gamit ng wika.
     Bilang karagdagan wika din ang gamit ng mga mangaawit upang maghatid ng makabuluhang mensahe sa mga taong nakikinig sapamamagitan ng pagkanta halimbawa nito ay si Esang Dela Torres na kilala sa kanyang awiting Marawi, ito ay halimbawa ng personal na paggamit ng Wika. 
     Wika ang ginagamit upang maipahayag ang sariling saloobin o damdamin, upang mapatupad ang mga pangangailangan o nais, sa pagpapahayag ng imahinasyon, para makakuha ng impormasyon at magbigay din kaalaman sa Iba.

    
     Kung wala ang wika at ang mga tungkulin nito sa lipunan magkakaroon ng kawalan ng komunikasyon, kultura, pagkakaisa, pagmamahalan at hindi tayo magiging malaya ang mundo ay magiging isang lugar na puno ng kaguluhan at paghihirap, sa madaling salita hindi tayo mabubuhay kung walang ang wika. Wika ang susi sa pagkakaisa at pagkakaunawaan, ang daan tungo sa kaunlaran, pundasyon ng magandang kinabukasan at ang ating pagkakakilanlan.

     


Isinumite ni: Kim O. Decinan
Baitang: 11 Sapphire 
Isinumite kay: Ms. Mary Rose C. Rebuya

Comments